Walang Iwanan, Kaibigan!
Chester Ian Pineda
February 19,2013
( 9:20 P.M- 10:56 P.M)
I.
Paalam kaibigan pagkat ako’y lilisan,
Iiwan ang mundo tutuklasin ang kalangitan;
Pagkat tayo’y waring butong iwinaslik ng
kapalaran,
Na yayabong, lalaki na may katapusan.
II.
Huling habiling iiwanan sa’yo
Nawa’y di kaliligtaan hangad na tangi ko
Gaya ng pag-alalang ginawa ko sayo
Kailan may ika’y sa puso, di magbabago.
III.
Malamig na panaho’y hindi laging ganyan
Pagkat tao minsan may kasalanan
Sala sayo’y naghahangad ng kapatawaran
Wag mabahala sala mo’t lumipad na sa kalawakan.
IV.
Kaibigan tandaan, ikintal sa isipan…
“Salamat sa ala-alang ating pinagsaluhan”,
Mga pagkasala akin nang kinalimutan
Pagkat ‘di mababata, tunay kayong kaibigan.
V.
Sa tagal na panahong ating pinagsamahan
Bagyuhin man ng pagsubok mananatili yan
“Strengthen our Friendship” ang siyang
dalanginan
Upang manatiling malakas ang pagkakaibigan.
VI.
Nagkaroon ng puntong lahat pawang nag- iba
Ugali, pagbabago, at kung anu- ano pa.
Nagkaroon na ng inaalab at ibang katropa,
Pagkakaibiga’y humina, tungkod ay nawala.
VII.
Ang ruweda’y ganyan aking kaibigan,
Darating ang panaho’y ako’y lilisan
Nais kong mabatid mo, tunay kong kaibigan
Kahit maraming pagbabago, ikaw pa rin ang TF
ko!
VIII.
Sariwa pa sa isip ang promising panandalian
Habang tayo’y nasa hapag nagkukwentuhan
Na mananatiling matatag ang pagkakaibigan
Kahit na ang puso ay titibok sa kasintahan.
IX.
Naalala mo pa ba yaong promisa?
Na mananghalian tayo’y laging sama-sama?
Nawa’y maibalik ganung sistema
Nang maayos ang lahat manumbalik ang ligaya.
X.
Huling habilin ko na sayo’y iiwan,
Tunay kong pinahahalagahan yaring
pagkakaibigan,
Mananatili kayong kayamanan na hindi ko
malilimutan
Hanggang muling hininga ko ma’y malagutan.
XI.
Hiling ko'y lagi niyong pakaingatan,
Nawa’y ako sayo’y nagging mabuting kaibigan.
Mananatili kang sugo sa panahon ng kadiliman
Pagkat ika’y mahal ko, tunay kong sandigan!
XII.
Pagdadamayan inyong laging isaisip
Upang tunay na simbolo ay masapit
Nang maparamdam ang tunay na kalakip
Ng pagkakaibigan ito ang isipit.
XIII
May pagkakataon ako’y di maintidihan
Alalahanin mo kaibigan ako’y may pinagdaanan
Pasensiya sa mga panahong nagdaan
Pagkat walang kaibigan dati’y naramdaman.
XIV
Ngayon kayo’y aking pinasasalamatan
Sa mga at katarantaduhan,
Nawa’y hindi kukupas yaring samahan
Habang nabubuhay hanggang kamatayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento