Miyerkules, Mayo 2, 2012


KABATAAN
Ni Chester Ian Pineda
 
Pag-asa bang maituturing ang mga kabataan,
O sakit ng ulo ng ating lipunan?
Responsibilidad niya’y napapabayaan
Druga’t bisyo’y kinahuhumalingan.

Ugali niya nga’y pawang nagbabago
Sukli sa magulang gawaing tarantado
Pagmamahal nila’y ibinigay naming todo
Upang liwanag ng bukas iyo’ng mapagtanto.

Buhay niya tuloy napariwara
Dahil payo ng magulang ibinaliwala
Pangarap at mithii’y lumahong bula
Na isa sanang kayamana’t mabuting panimula.

Kaya payo ko mahal na kapatid
Druga’t bisyo’y walang maihahatid
Kundi pinapadali ang buhay mong sumalangit.
Pamilya’t kaibigan piniperwisyo mo pang higit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento