HILING
Ni Chester Ian Pineda
Bawat gabi’y aking pinapanalangin
Na aking hiling sana’y dinggin
Mga nagdaang panaho’y maibalik sana sa’kin
Nang Maykapal na mabait sadyang matulungin
Matalino’t wais sa kanya’y iginantimpala
Mabuting pag-uugali tanging hangad ko pa
Mabuting pag-uugali tanging hangad ko pa
Nang galit niya’y sa kapwa maibsan, mawala
Mahal kong Auntie, liwanag sa paligid nawa’y iyong
Makita.
Sa oras na ika’y laging nagagalit
Sa mumunting sala gawa ng paslit.
Sa mumunting sala gawa ng paslit.
Ba’t pinalalawak pinarurusahan ng higit?
‘Daling masolusyunan ba’t may sigaw pang kapalit?
Masasakit na salita’y iyong ikinabit
Sa aming mga
puso’y nagpasakit ng higit
Kaya paglalaban sayo’y ‘di na napigil
Upang iyong maramdaman na ika’y malupit.
Nagkaroon ng araw na ika’y Masaya
Dapat iya’y panghabambuhay ‘di dagli sana
Nang pamilya’y sumaya’t manumbalik ang ligaya
Pamilya mo sa kabilambuhay siguradong galak sila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento