SIMBOLO
NI Chester Ian Pineda
Ang buhay ng tao’y maihahalintulad sa relo
Na sadyang ang Diyos ang sumusuot nito
Siya ang nagrere-set ng oras para sa’yo
At hahatol ng ikatatagal mo sa mundo.
Pag kama’y ng relo’y mabagal gumalaw,
Kandila ng buhay mo’y malapit na ring matunaw
Kaya kinakailangan baterya’y agarang palitan
Gaya ng sumunod sa kabutihan hindi sa kasamaan.
Pag oras mo’y natapos na’t napasyahan
Iyong pagsisihan nagawang kasalanan
Kaya habang ika’y nabubuhay sa mundo ng kawalan,
“MAKE THE MOST OUT OF IT” ika nga naman.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento