Huwebes, Mayo 3, 2012


HAGUPIT NI ULAN
NI Chester Ian Pineda

Makulimlim na ulap sayo’y nakaabang
Payong, sombrero, kapote’t basahan
Ito’y ihanda nang hindi makakaligtaan
Sapagkat hagupit ni Ulan paparating na naman.

Bubungan ng bahay isaayos, ikumpuni
Nang luha ni Ula’y ‘di umagos sa balcony
At hindi tumilapon ang bubung sa santabi
Mabuting payo ko wag mo naming isantabi.

Sakit ng ulo, lagnat at pagtatae
Mga iniwang sakit sa katawan ni Pepe
Dulot ng ulan matapos umatake,
Winaldas ang pera upang gamut maibili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento