Linggo, Abril 1, 2012

Napasok ba sa isipan mo minsan ang mga bagay o pangyayari na tila 'di mabigyan ng kasagutan o kalinawan? Dahil dito, 'di naman maalis sa ating sarili ang magtanong tungkol sa mga bagay-bagay  na tila di malaman-laman kung bakit nagkaganoon...
Gaya na lamang ng matagal nang pinagdedebatihan, ang usapin tungkol sa pinagmulan ng modernong tao......

SINO AKO?
  ni CHESTER IAN S. PINEDA
  

Akoý napaisip noong ako'y paslit
Pinagmulan ng taoý inalam kong pilit
Nang ako'y lumaki at nagkaisip
Sa salita ng Diyos ako'y napalapit.


 Dumaan ang panahon at aking nasapit
May Ebolusyunaryong Briton na nagpipilit
Na unggoy ang pinagmulan ng taong nag-iisip
Batay sa edidensyang kanyang bitbit.


Ngunit kanino nga ba? Ako'y nagtataka,
Sa unggoy ba?, O kina Adan at Eba?
Malaking katanungan at mga haka-haka
Mga paniniwala na magkakaiba.


Hinihikayat ko ang lahat ng tao
Na maniniwala sa talagang totoo
Na ang Diyos ang tagapaglikha ng Daigdig na ito,
Lahat ng bagay kabilang na TAYO...

8 komento: